Alam mo na ba ang Gagawin mo Matapos Basahin Ito?- Marc Ace B. Palaganas
Mabilis ang paggalaw ng mga kamay ng orasan. Mabilis ang paglipas ng bawat Segundo, minute, oras, araw, buwan at taon. Hindi mo namamalayan ang paglisan ng panahon. Mahirap itong habulin.
Sa dami n gating dapat gawin, may panahon ka pa bas a lahat ng bagay? Mahirap na may makalimutan o makaligtaan. Sapagkat hindi na maibabalik ang nakalipas na pagkakataon.
Sa ganitong sitwasyon, malaki ang maitutulong ng malaking kaalaman sa pag-badyet ng oras o Time Management.
Sa ating mga mag-aaral, malaki ang maitutulong nito sapagkat naituturo nito ang tamang paggamit ng at ang pag-iwas sa pagka-gasta nito sa di makabuluhang bagay. Marami tayong dapat pagtuunan at sa tulong nito, magiging produktibo tayo sa bawat sandali ng buhay.
Isang magandang halimbawa nito ang paggawa ng Time-Table. Isulat ang oras at Gawain na naaayon sa isang buong araw. Maglagay ng oras para kumain, matulog, at magpahinga. Siguruhing walang makaliligtaang Gawain.
Sa paggamit nito ay marapat na walang makaliligtaang Gawain. Disiplina sa sarili ang kailangan. Matutong tumigil kung Time’s up na. matutong kumilos hangga’t may oras pa. sulitin ang bawat sandal.
Ang Time Management ay isang disiplinang bilang mag-aaral ay dapat nating matutunan.tinuturuan tayo nito sa paghawak n gating oras, hinuhubog tayo upang maging produktibong tao at higit sa lahat, DISIPLINADO.
No comments:
Post a Comment