Sunday, August 18, 2013

Isa akong ALIEN!!!

Noong una'y akala ko iyon ay para lamang sa mga aanga-anga,
akala ko'y iyon ay para sa mga eengot -engot sa kalsada,
sa mga mayayaman at matitinding mamustura,
di ko alam na isa pala akong ALIENG naligaw sa Maynila.

Sa aking pagtahak sa mataong landas ng Pureza
tungo sa kolehiyong aking sinisinta,
ang sementadong kalsadang akala ko'y ligtas na tulad sa Valenzuela
ay isa rin palang huwad na Rectong nagkukubli sa mata ng balana.

Pagdaong ng aking paa sa kolehiyo
hinanap ko ang aking slim phone,
di ko ito makita...
binaligtad ko ang loob ng aking bag,
ang dormitoryo, ang mga kahon, ang kabinet,
ngunit wala akong makita....
kahit anong pilit.

Di ko na siguro kaya pang mapagtakpan
na ako'y naisahan,
na ako'y nanakawan
nabiktima ng mga isnatser na naglipana sa lansangan.

Isa ako sa mga aanga-anga
kabilang sa mga eengot-engot
hindi naman mukhang mayaman
pero isang ALIENG naligaw sa Kamaynilaan.

Totoo ngang sila'y naglipana
wala na silang takot,
di lang sa D.Jose,
sa buong Maynila sila'y kilabot.

Sa araw-araw kong pagtahak sa buhay na pasikot ng Pureza
marahil isa sila sa aking nakakabangga,nakikita sa tuwi-tuwina,
di ko sila kilala, di ko alam kung nasaan sila

Isa lamang ang alam ko.... ginawa nila akong ALIENG naligaw sa Maynila.


2 comments:

Marc Ace Palaganas said...

isang pag-alaala sa lumisan kong slimphone ( kasama ang memory card at simcard na naglalaman ng aking mga galamay )....
Basahin niyo ito....kung ayaw niyo maging ALIEN

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
Contact Number: 09465046302
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/